Viral ngayon sa social media ang sikat na Vlogger na si Pambansang Kolokoy matapos magkatanggap ng isang comment sa isang Vlog mula sa isang netizen. Kinuwestyon ng netizen na hindi umano niya nakita o narinig na tumulong si Kolokoy sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
"Nobody has to know, nobody needs to know and they don't have to know," sagot ni Pambansang Kolokoy sa netizen na ito.
Agad namang nakarating ito sa mga social media influencers at mga sikat ding Vloggers, content creators na ginagamit ang kanilang mga social media platform para makatulong sa mga nasalanta nating mga kababayan.
Isa na dito ang sikat at kontrobersyal na social media influencer na si Xian Gaza. Ayon kay Xian, hindi naman obligasyon ng mga content creators na tumulong.
"KUNG TUMULONG EH 'DI PASALAMAT KAYO. KUNG HINDI NAMAN... EH 'DI OKAY FINE NO PROBLEM," ayon kay Gaza sa kanyang post.
"HINDI PORKE SUBSCRIBER O FOLLOWER KA NILA AY ENTITLED KA NA MASYADO DIYAN,"
Hindi na rin napigilan ng ilang mga netizens na magbigay ng comment at mag-react tungkol sa pangyayari.. Narito ang ilan sa mga comment nila...
"kakapal ng mukha mang obliga😂😂..kung ttulong ka ndi klngan ipublic kung tlgang tulong ang hanap mu..p*ta na to..kalma mu yan bagang mu kung ayaw mu matupi sa walo😂😂😂😂😂," - Del Amith Sherry Ann
"Ang problema rin kasi pag tumulong ka tapos pinakita mo sasabihin para sa views or pasikat. Pag di mo pinakita pag tulong mo sasabihin walang kwenta or di n tulong. So saan po talaga lulugar?," - Rizz Grepo.
"At di lang naman nakaaangat ang pwedeng tumulong. Kahit mahirap ka! (Slap soil!) You can still help!😁 kaso ang mindset ng mahirap, mayaman lang dapat ang nagbibigay at mahihirap lang ang binibigyan! That's totally wrong! Everybody can extend a helping hand mga slap soil! Even In the bible the poorest of the poor are able to help !😁 magbago na kayo! ,"- Jae Mortel-Verano
Narito ang kanyang buong post:
FIRST OF ALL, HINDI OBLIGASYON NG MGA YOUTUBERS NA MAGBIGAY NG TULONG KAHIT ILANG MILYON PA ANG KINIKITA NILA. KUNG TUMULONG EH 'DI PASALAMAT KAYO. KUNG HINDI NAMAN... EH 'DI OKAY FINE NO PROBLEM.
HINDI PORKE SUBCRIBER O FOLLOWER KA NILA AY ENTITLED KA NA MASYADO DIYAN NA PARA BANG IKAW ANG NAGPAPASAHOD SA KANILA. MAYARI KA BA NG YOUTUBE HA?
ANG HIRAP SA INYONG MGA UTAK MAHIRAP EH PORKE NAKAKAANGAT SILA SA BUHAY AT KUMIKITA NG MAGANDA, FEELING NIYO EH KASAMA NA KAYO SA MGA RESPONSIBILIDAD NILA. REMINDER LANG NA SILA AY MGA PRIBADONG TAO, HINDI GOBYERNO O SERBISYO PUBLIKO.
BOTTOMLINE? KESYO TUMULONG SILA O HINDI... KESYO IPAALAM NILA SA INYO O HINDI... IT'S NONE OF YOUR BUSINESS DAHIL TAGASUBAYBAY KA LAMANG NILA KAYA MATUTO KANG LUMUGAR, HAMPASLUPA.
Anong masasabi niyo dito? Ibahagi niyo lamang ang inyong mga opinyon sa comments...
Source: Curiano
0 Comments