Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na si Jelly Yanong Balaod, matapos niyang ibahagi ang kalagayan ng isang nagngangalang Kuya Randy na napagalamang ulila na sa kanyang mga mahal sa buhay.
Si Kuya Randy ay nakitang naninirahan lamang sa ilalim ng bato sa isang liblib na lugar.
"Masakit makita si tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok Calatrava Negros Occidental po siya wla na pong pamilya at sa ilalim ng bato siya natutulog." ayon kay Jelly.
Dagdag ni Jelly, sa basurahan lang daw kumukuha o naghahanap ng kakainin si kuya Randy kaya talaga namang kinaawaan siya ng makita nila si kuya.
"Namumulot lang po siya ng basura para makakain sobrang awa po ni tatay kasi paano pag my bagyo, malakas ang ulan o kidlat? kawawa namn po.. calling all my friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay." sabi ni Jelly.
Sa kwento ni Jelly, noong una daw ay tumanggi umanong lumabas si Kuya Randy sa ilalim ng bato dahil nahihiya daw ito sa maraming tao. Pinilit pa nilang lumabas si Kuya Randy para makausap ito ng maayos.
"Ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao, kaya nagdesisyun kami ma pumunta at kinausap ko siya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya, at thank GOD lumabas siya, at nakausap namin." ayon kay Jelly.
Base sa kanilang usapan, nagkaroon umano ng pagkamatatakutin ni Kuya Randy dahil sa kanyang mga karanasan sa buhay at hindi raw ito makausap ng matino dahil madami daw itong binabanggit na hindi maintindihan.
Basahin ang buong post ni Jelly sa ibaba:
"Hyssss Masakit makita c tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok calatrava negros occidental po siya wla na pong Pamilya sa ilalim ng bato sya natutulog, Namumulot lang po siya ng basura para makakain subrang awa po ni tatay kasi paano pag bagyo? malakas ang ulan, kidlat? kawawa namn po calling all my Friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay any amount wll do as long as makakain nang hustu at makatulog nang mahimbing c tatay para sa Safety lang po ni tatay sana."
"Pinuntahan talaga namin yung lugar nya kasi sabi ng naunang pumunta doon ay ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao, kay nagdesisyun kami ma pumunta at kinausap ko sya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya, at thank GOD lumabas sya, at nakausap namin, at base sa kwentuhan namin parang dumanas ng nrvous brekdown si kuya, kasi dami nyang kinwentung mga nadaanan nyang karahasan sa buhay, taga sitio VERGARA,BRGY BUG-ANG,TOBOSO PALA talaga sya, d mo sya makausap ng maayos kasi dami nyang ibang kwento, at pinakita ko sa kanya mga dala namin groceries. Para sa kaalaman nyu ang mga groceries d ko nilagay sa mismong tutulugan nya kasi wala talaga syang alam ano ang mga iyon baka kainin lng na hilaw, kahit inumin pag bibigyan mo sya uubusin kaagad, kay sa day care worker ng minapasok ko binigay kasi sila naman ang araw araw na bumibisita kay kuya para mainumin ng gamot at pakainin.SALAMAT PO SA LAHAT NG TUMULONG. GOD BLESS
"Sa nais pang tumulong na nasa malayo, puide nyu masend sa gcash ko
GCASH
"Apolonio D. Macadaya
"09770161172
Source: Curiano
0 Comments