“Gusto naming tumulong kaso hindi naman namin kayang magbigay ng libre.”
This man from Muntinlupa City was an overseas Filipino worker (OFW) in Kuwait for 19 years. When the COVID-19 pandemic happened, he decided to return to the Philippines to be with his family.
It was also the time when community pantries started to emerge all over the country.
“Nagresign ako no’ng dumating yung pandemic. Na realize ko na mas mahirap magtrabaho sa ibang bansa lalo na no’ng mga time na ‘yon. Hindi na ako sigurado kung makikita ko pa ulit yung pamilya ko o papano ba ang mangyayari,” Alvin Esperida told The Philippine STAR.
Tatay Alvin did not have any plans upon arriving in the country, so he decided to sell different items to have an income.
“Actually, sa beginning, hindi talaga namin alam kung anong ititinda namin eh. ‘Di namin alam kung ano ang dapat naming itinda, pero gusto namin magtinda. Hanggang sa no’ng mga pandemic days na ‘yon, marami kaming nakikita na mga community pantry no’ng mga during lockdown time sa bansa natin,” he shared.
“Naisip namin na talagang marami ding pamilyang Pilipino ‘yung nahihirapan sa mga oras na ‘yon. Kasi kami ramdam ko na rin na talagang sobrang bigat na ng buhay no’ng mga time na ‘yon,” he added.
The rise of community pantries in different areas gave Tatay Alvin an idea.
“Gusto naming tumulong kaso hindi naman namin kayang magbigay ng libre. Kaya naghanap kami ng mga paninda na puwede nating maibenta nang sa tingin ko eh, hindi sila mahihirapan na mabili,” he recalled.
“No’ng time na ‘yon, nakahanap ako ng mga panindang, ‘yon, nagsimula akong magtinda nang pa konte-konte. Nalaman no’ng mga tao na mura yung paninda, sila na ‘yong kusang pumupunta sa’kin. Hanggang sa eto na nga siya, naging bodega na,” he said.
He pays P60,000 for the monthly rent and employs a staff of 40 who all come from low-income families.
Tatay Alvin said that his family was also a big factor why he chose to leave his six-figure salary job abroad and start a small business in the Philippines.
“‘Nung ako’y isang OFW pa, kumikita ako monthly ng mga six figures a month. Pero kahit medyo mababa siya do’n sa kinikita sa pag o-OFW, I think it’s enough pa rin kasi kasama ko ‘yung pamilya ko. Hindi naman ako dumating sa point na mangyayari sa’kin yung magsisi, hindi. Wala akong nararamdamang pagsisisi talaga,” Tatay Alvin said.
He aims to put up more bodegas and reach out to more Filipinos looking for affordable grocery items.
“‘Yung kumita, lahat naman ng tao nangangarap kumita eh. ‘Yun naman talaga ang aim ng bawat negosyante, ang kumita. Sa’kin, gusto ko siyang gawin same time. Kumikita ako, nakakatulong ako sa tao. Gusto ko silang magkasabay na nangyayari sa buhay ko,” the former OFW noted.
0 Comments